Arms Open — The Script
(I can’t think of a title, but this is based on The Script’s Arms Open)
Nagising ako sa isang madilim na gabi, bahagya akong napatawa dahil sa naisip. Gabi kaya malamang, madilim talaga. Sa iba, pangkaraniwan na ito, pero pakiramdam ko ngayon iba ang kadiliman na bumabalot sa pangkaraniwang gabi ko. Ibang uri ng kadiliman na unti-unting kumakalat at lumalamon sa akin.
Umiling ako at kumuha ng jacket bago lumabas. Hindi ko naman hahayaan ang sarili kong magpalamon sa kung ano mang gumugulo sa isip. Naglakad ako sa buhay na buhay pang kalsada ng Baguio, sumasaliw sa hangin ang mga halakhakan, maging ang mga ilaw ay tila sumasayaw.
“You just lost him, at matagal na iyon, kaya bakit kapag sumasapit ang araw na ito nababalot ka pa rin ng lungkot?” Bulong ko sa sarili.
Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad para pumunta sa burham park at umupo sa mga bakanteng lugar doon.
Isang malamig na simoy ng hangin at nagpanumbalik bigla ang mga nangyari noon.
“Cierraine,” malamig ko siyang tiningnan.
“JC, just stop!” Banta ng kaibigan niya na hindi niya naman pinansin kaya napailing nalang ito at bahagyang lumayo, bilang bigyan kami ng pagkakataong makapag-usap ng pribado.
Nanatili akong walang kibo, hinihintay ang mga sasabihin niya. Nitong mga nakaraang linggo, madalas kaming hindi nagkasundo, lalo na ngayon at nagkaproblema ang pamilya niya pero ni hindi niya naman magawang sabihin sa akin kung ano iyon. Naghihintay lang ako, naghihintay na magsabi siya, na humingi ng tulong, dahil kung gagawin niya iyon, malawak ang buka ng mga braso kong tatanggapin siya. I will gladly embrace his pain, but he didn’t.
“I’m sorry… for being a jerk, I’m sorry I had to leave,” aniya at pinipilit hulihin ang mga mata ko, pero hindi ko kayang harapin ang sa kanya.
Natatakot ako, na baka iyon na ang huling pagkakataon na magkakasalubong ang mga mata namin, kung iyon na ang huling pagkakataon mas pipiliin kong hindi na ito salubungin pa.
Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero agad akong humakbang palayo, at hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin, at nakitaan ko iyon ng sakit. Ah, nasasaktan din siya sa sitwasyon namin? Imposible!
“I want to offer you some kind of long distance relationship but you don’t deserve to settle in that kind of set-up,” aniya sa nag-iingat na tono.
I laugh without humor, sa lahat ng tao, siya ang pinakanakakakilala sa akin kaya alam niyang hindi ko iyon kaya. Hindi ko kayang araw-araw na nag-iisip kung anong ginagawa niya at mainggit sa mga nakakasama niya habang magkalayo kami.
“Just.. just leave, please.” Pinilit kong hindi mabasag ang tono ng boses ko.
Sinubukan niya pang hanapin ang mga mata ko pero nang matanto na hindi ko siya tatapunan ng tingin ay umiling siya bago nagpasyang umalis. Nanatili ako roon sa pwesto kung saan niya ako iniwan, binabalot ng lamig at lungkot pero piniling panuorin ang pagtalikod niya. Baka sakaling sa paraang iyon ay maipon ang sakit at sumabog o baka mawala sa isang iglap?
“Babe, I knew you’d be here,” napabalik ako sa realidad nang dahil sa mga katagang iyon, hinahabol niya pa ang kanyang paghinga ng sabihin iyon, at nakangisi ng malapad, halatang gusto akong asarin sa itinawag niya sa akin.
“Bakit? And babe your ass,” sambit ko.
“Kasi isang taon na simula nung umalis siya, kaya ka nandito?” Hindi pa siya sigurado sa tanong na iyon.
“Allen, hindi. Tsaka matagal na iyon?” Sagot ko. Masakit pero I know for a fact that I cannot compete with his family and his dreams. Hindi ko gugustuhin na piliin niya ako. Siguro mas magiging masaya pa ako kung matutupad niya ang pangarap niya. Kumpara sa pananatili niya pero lalamunin ako ng mga katanungan, ng mga what ifs na hindi naman masasagot.
“Then why else will you be here?” He asked, trying again to converse about JC, ang totoo marami pa ring what ifs na naglalaro sa isipan ko, pero ang desisyon malalaman mo kung tama ba depende sa kung paano mo ito mapapanindigan. Sa kaso ko, pinili kong maghiwalay kami, at iyon din naman ang gusto niya kaya pareho naming desisyon iyon, kaya sa halip na magmukmok, I spent my time trying to be busy.
I smiled before shaking my head, naalala ko pa noon na kasama siya ni JC noong huli naming pag-uusap. Hindi ko rin naman talaga akalain na magiging malapit kami, pero JC is hard to forget. Even if a year passed he still holds a special place in my heart.
Isang hindi inaasahang pangyayari ang naglapit sa amin ni Allen, and I owe him my life for that.
“Babe! Hindi mo sinabing susunduin mo ako?” I giggled after that and links my arm with his. Naguguluhan siyang tumingin sa akin, halos itulak pa ako. Pero hinila ko siya para makapaglakad na kami at tumingin ako sa paligid.
“Talagaaaa?! Hinahanap na ako nila tita? Pero akala ko dito tayo magdidinner? Sa bahay niyo na raw?” Sinadya kong lakasan ang boses ko.
“Anong sinasabi mo?” Bulong niya sa akin. We were not actually strangers but we’re not close either.
“Sorry, Allen. Someone’s following me for an hour now kaya hindi ako umalis sa mataong lugar then I saw you, I just need a little help.” Bulong ko at tumingin sa paligid, naabutan ko na nakatingin ang lalaking kanina pa sumusunod sa akin.
“Uwi na tayo babe,” nagulat ako sa sinabi ni Allen, pero agad na nakabawi, I smiled widely.
Nakarating kami sa parking lot at napansin ko na nawala na ang lalaki. Halos mapaupo ako sa tapat ng sasakyan niya pero nahawakan nya ako. My knees felt so weak.
“I... I’m sorry. T-thank you,” mahina kong sambit.
“Are you okay?” He asked in cold baritone.
That night started our friendship, hinatid niya rin ako pag-uwi to make sure I am safe and sound.
“Ang tahimik sa bahay,” panimula ko bilang sagot sa tanong niya.
Nanatili siyang nakatingin sa akin, tila inoobserbahan ako pero may pag-iingat sa mga mata niya.
“So, gusto mo maingay?” Aniya.
“Not really,”
“Kape tayo,” aniya at tumayo, inilahad ang kamay sa akin kaya ngumiti akong inabot iyon. Binitiwan ko rin ng makatayo na, hindi na rin naman niya kailangang tumulong pero dahil madalas niya namang ginagawa iyon, nakasanayan ko nalang din.
Pumasok kami sa mcdo, marami pa ring tao, karamihan ay mga turista na halatang kadarating lang dahil sa mga bag na dala at pinili munang magpalipas ng oras dito.
“What’s bothering you?” Aniya matapos ilapag ang kape sa lamesa.
“Some... things,” sagot ko, hindi pa sigurado kung itutuloy o kung paano ipapaliwanag sakanya.
“It’s okay if you don’t want to talk about it, pero you can always count on me, ‘kay?” Tumango lang ako bilang sagot, at tipid na ngumiti.
“Cierraine, hinahanap ka ni Ma’am, kung natapos na raw ba ‘yung financial report na pinapagawa niya para sa cash flow ng org?” Salubong sa akin ni Mia, nasa may pinto pa lang ako ng org room.
“Yes, natanong ko na kay Shay, siya vice president for finance diba? Nasend na niya sa akin, saglit,” sagot ko at pumunta sa lamesa para buksan ang computer doon.
“Birthday party later, don’t miss it pala, it’s not the same without you!” Mia said in a high pitch, then she winked at me.
I smirked.
“Of course! Happy birthday! Acads first, gala later!” Sinabayan niya pa ako sa huling sinabi at nagtawanan kami. Binigay ko sa kanya ang folder dahi siya na raw ang magbibigay, kaya pumayag na rin ako dahil may kailangan pa akong aralin para sa evals.
4th year is stressful, evals on last sem, it was like a pre-board and you have to pass it for you to graduate. It was hard to deal with acads especially with a broken heart, well that’s how I felt last year. But this year, I am almost back on my life’s track, pakiramdam ko nga kaunting panahon pa talagang maghihilom na ang mga sugat sa puso.
Habang naglalakad tumunog ang cellphone ko.
From: Allen
Any plans later? Or sabay tayo uwi? I’ll pick u up.
I told him I’d go on a party later, tinanong pa niya ako kung gusto kong magpahatid pero sa tingin ko hindi na rin naman kailangan, kaya tinanggihan ko na.
Sa library ako dumeretso dala ang isang libro na kailangang aralin para sa evals, halos bumagsak na ang mga mata ko sa kalagitnaan nang pagsasagot sa mga problems, I was actually too focused that when I saw who’s seating in front, halos mapatalon ako.
He’s smiling widely, halatang namangha sa inakto ko. So, I made face and rolled my eyes.
“Kain tayo, di ka pa naglunch ‘no? Anong oras na,” aniya at umigting ang panga.
“Kanina ka pa?” Tanong ko, nagkibit balikat kang sya at hindi na muli nagsalita.
Minasahe ko ang ulo ko at tiningnan ang sinasagutan, hindi ko pa natatapos pero nararamdaman ko na rin na kumakalam ang sikmura.
I smiled cutely, this guy!
“Libre?” I asked playfully and wiggled my brows.
Nakakunot ang noo niyang bumaling sa akin, humalakhak ako dahil doon.
“Joke lang, I’m not broke!” Natatawa kong sambit at hinampas ang braso niya. I was so careless when walking downstairs kaya hindi ko napansin ang hakbang, muntik na akong mapadulas pero nahawakan niya ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na nasa dibdib niya ang kamay ko, and his heart is beating so fast!
Ngumiti ako at bumaba na, “Thanks,” I whispered.
“Ms. Careless whisper,” aniya at humalakhak habang naglalakad kami papunta sa mga kainan.
“Gago ka,” lalo siyang humalakhak dahil sa sinabi ko.
“Upo ka na, ako na oorder,” aniya.
“Ha? Oh, okay. Bayad ko, the usual ha,” ibinigay ko ang pera at akala ko tatanggapin niya dahil lagi namang ganoon, pero lalong kumunot ang noo ko dahil hindi niya tumanggap at tumalikod na siya sa akin.
I just shrugged and went to find a table.
I went home after lunch to get ready for the party Mia mentioned, mabuti nalang at next next week pa ang evaluation kaya chill pa rin ngayon.
“Happy Birthdaaaay Miaaaa!” Sigaw ng lahat at ibinuhos ang isang bote ng alak sa bibig, si Mia game na game kaya tinanggap niya lang at tumatawa pa. Bahagyang nabasa ang top jacket niya kaya inalis niya ito, revealing her tube top.
This is a party so it is reasonable to wear that kind, I am also wearing a tube top pero may see through na cover up, and a ripped jeans. Nanunuot sa tainga namin ang ingay ng tugtog at ang sumasayaw na mga ilaw.
I like this.
I like to be in this kind of place, to get distracted.
Habang lumalalim ang gabi, nagiging wild na ang mga kasamahan namin. Si Mia, pinipilit pa rin ayusin ang lakad, she likes taking responsibility up her sleeves, she’s drunk pero pinipilit niya pa rin ayusin ang sarili.
I massaged my head, umiikot na ang paligid pero alam ko pa rin naman ang nangyayari.
“Whaat?” Bungad ko ng sagutin ang telepono dahil sa pagtunog nito.
“I’ll pick you up,” aniya. That same baritone voice.
“Okasdh,” sagot ko at pumikit sandali dahil sa biglang hilo na naramdaman.
“Girl, aalis na kami? Sabay ka na paglabas?” Tanong ni Mia. May lalaki na ring umaalalay sa kanya, probably his boyfriend.
“Babe, ask her kung sasasabay ba siya?” Bulong niya sa lalaki sa gulo-gulo pang mga salita.
I smiled, “Hindi na, magpapasundo nalang ako.”
Isa pa, hindi ko na rin gustong makaabala, who knows what they will do after?
Sumabay ako paglabas at umupo sa nakitang bleachers doon. Hindi rin natagal nang dumating si Allen.
“Didn’t know you were alcoholic,” sarkastiko niyang sabi habang nasa loob pa rin at ibinaba lang ang bintana nang nasa tapat ko na ang sasakyan.
I smirked, umiling din para tumanggi.
“Coffee shop, okay lang?” Tanong ko pagkapasok ng sasakyan.
Pumikit ako at nagising dahil sa tapik niya, nasa tapat na pala kami ng coffee shop. I need to sober up.
Last time I got drunk, kung ano anong mga sinabi ko kay JC sa chat, hindi ko na gusto kung maulit pa iyon o baka mas malala pa ang magawa ko.
“JC pa rin?” Aniya at tiningnan ako gamit ang isang hindi ko mabasang tingin. Mukhang malungkot ang mga mata niya, o baka talagang mali lang ako dahil sa alak?
“Nope, just want to be free. Evals next week, just trying to cut the anxiety,” I explained. I wonder if he’ll believe it.
If this is the only way to be free, I’d rather be drunk always.
“Are you crying?” Dahan dahan pa ang tanong na iyon at punong puno ng pag-iingat.
Agad lumipad ang mga kamay ko sa pisngi ko at napagtanto na basa nga ang mga ito. Why am I even crying right now?
Hindi ko gusto na nakikita niya akong ganito kalungkot, o na ganito kahina. Lahat ng tao nakikita lang nila ang mga ngiti ko, pero hindi ang sakit. Sumubsob ako sa lamesa at pinilit pakalmahin ang sarili.
He caress my head. Eventually naramdaman kong tumayo siya kaya akala ko aalis na o ano, pero lumipat siya sa upuan na katabi ko at naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko.
That night, I cried my heart out. Kahit hindi rin ako sigurado kung anong dahilan. Kung stress ba sa darating na exam, kung na feed up na ba ako sa kakapanggap na lagi akong nakangiti, o kung hinahanap pa rin ba ng puso ko si JC. Hindi ko alam, hindi rin ako sigurado.
“Hindi ka ba nagkakahang-over?” Bungad sa akin ni Mia sa Office ng Org kinabukasan.
Umiling ako, then I teased her after. Paulit-ulit siyang nagrereklamo na masakit ang ulo niya, kasalanan niya rin dahil marami siyang naimom.
That week went by fast, I was busy studying and taking care some org stuff, pero si Allen laging pinipilit na magkita kami. Minsan naisip ko, hindi kaya talagang gifted ang isang ‘to dahil ni hindi ko siya nakikitang nag-aaral, pero ang sabi sa college nila he’s one of the top, how is that possible?
Last day of evals, kalalabas ko pa lang ng room at marami na ring mga 4th year na tapos na at pinag-uusapan ang mga hindi nila nasagot sa exam. Sumasakit ang ulo, gusto kong kumain at magpahinga. There is no point on arguing or talking about it, it will not change the result anyway.
I smiled bitterly, isang taon na, pero noon kapag nag-eexam ako, laging naghihintay si JC at lalabas kami pagkatapos, he’d treat me to congratulate me for taking the exam. Kailan ko ba siya maaalis ng tuluyan sa sistema ko?
“Cierraine, kumusta?” Sabi ng isang kakilala, ngumiti ako at sinabi ko nakang na nasagutan ko naman lahat ng tanong pero hindi ako sigurado.
“I’m sure you’ll ace it,” dagdag ng isa pa nilang kasama. Hindi ko maalala ang pangalan, pero pamilyar, probably because of doing org’s stuff?
“Hindi naman,” depensa ko.
“Ms. Congeniality!” Mia screamed in slightly high pitched, halos patakbo pa siyang lumapit sa akin.
“Dami mo na agad kausap, ‘di ka nahirapan?” Aniya.
“Sumasakit ulo ko, bababa na ako. I will eat or something, sama ka?”
“Wala bang utos ngayon si Ma’am Raquel?”
“Wala na, inaayos na ang pagpapalit ng officers. We’ll have meeting next week, iyong mga bagong set at outgoing officers, magkasama.” Paliwanag ko at nagsimula nang maglakad, sumunod naman siya.
Panay ang ngiti ko sa mga nakakasalubong dahil panay rin ang pansin nila sa pagdaan namin, napapatigil pa minsan kung may tinatanong ang ibang estudyante.
“Kailan ang last set, Pres?” Tanong ng isang babae na nakasalubong namin. Sa tingin ko, isa siya sa classroom president kaya pamilyar ang mukha dahil madalas nakakaharap kapag nagpapameeting kami.
“Last week of march, tentative. Ipopost nalang sa bulletin board, kasama iyong room assignments,” sagot ko naman at bahagyang tumigil, kahit abot tanaw ko na ang hagdan.
Imahe ni Allen ang nadatnan ko nang tumingin ako doon, nakitaan ko ng multo ng ngiti ang labi niya. Kumaway pa siya, I smiled back.
“Okay po, thank you,” aniya sa isang magalang na tono. Ngumiti lang ako at nagpaalam na rin, naiwan pa si Mia dahil kaibigan niya pala ang isang kasama doon at aniya doon na raw siya sasabay dahil nakita niya si Allen at ayaw niya na maging third wheel. Umiling nalang ako dahil sa naiisip niya.
Allen is a good friend, iyong tipong kailangan mo talagang ingatan. At iyong tipo na kaibigan na laging nandiyan para saiyo, he is that kind of friend. The one that will dry your tears, iyong tipong magbibigay ng warmth sa malamig na gabi, o iyong tipong sasamahan ka sa pag-aaral, o kaya biglang mag-aaya sa pagkain, libre pa! He made my last year in college bearable, I owe him that.
He playfully opened his arms as if welcoming me, then he smirked.
I rolled my eyes and he laugh because of it.
Akala ko hahayaan niya na, pero nagulat ako dahil hinila niya ako at ikinulong sa mga braso niya. I can feel his warmth, but I feel awkward at the same time.
Humalakhak siya, “You’re so stiff, I thought maybe you want some kind of comfort after battling with that exam? Pre-board na ‘yan diba?” Aniya.
“I am confident, ‘di ako babagsak dahil nag-aral ako.” Sagot ko at naglakad na pababa.
Kumain lang kami at sinamahan niya ako hanggang makauwi. Sa mga sumunod na araw, madalas akong busy dahil sa mga papel na kailangang tapusin, at sa mga subjects na kailangan ko pang aralin dahil pakiramdam ko kulang pa rin ang oras na ginugugol ko sa pag-aaral. Mabuti na lang at natapos na rin ang graduation pictorial kaya hindi mukhang stress doon kung sakaling pagkatapos pa ng evaluation exams iyon gagawin.
Madalas bigla nalang nasa library si Allen kapag nadoon ako, hindi niya naman ako ginugulo pero sinasamahan niya ako, minsan may dala rin siyang libro, inaaral niya na rin siguro para sa board exam nila, minsan ihahatid ako pauwi, at minsan sinusundo niya pa ako kahit hindi naman kailangan.
I had some guy friends, clearly they are not like him, so I wonder if we’re crossing the limit already... i’m not sure.
Graduation day came, everyone’s happy but this is just a beginning. We had to enroll again in a review school to prepare for the board exam.
“Congratulations,” aniya at iniabot ang bulaklak sa akin, tinanggap ko ito. Maybe he’s just kind enough to congratulate me? Besides we’re really close.
“Congrats to you too,” tiningnan ko siya, kagaya ko nakaitim rin siyang toga, it looks so good on him.
“Picture kayooo!” Tili ni Mia, at nakahanda na ang camera kaya inayos ko ang hawak sa bulaklak at lumapit kay Allen.
We were so close! Hinawakan niya pa ang balikat ko, we probably looked like a couple. But can’t a boy and a girl be just friends?!
Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko at ang bilis nang tibok ng puso ko!
“Tita, hello po,” aniya nang makita sila mommy.
“Hello tita,” si Mia at lumapit para makapagbeso.
“Dinner sa bahay, I won’t take no. And hija,” aniya at tumingin sa akin.
“May surprise kami sa’yo. Anyway, we’ll just greet some family friend, and we’ll go, Allen, sumama ka, okay?” Ani mommy at lumapit kay daddy na nagsimula na palang maglakad. I wonder what kind of surprise is she talking about. Baka naenroll na nila ako sa review center without me knowing?
I am fine with some review center here in Baguio, pero sila mommy itong mapilit at gustong sa Maynila ako para hindi na rin daw ako ma-culture shock kung dito ko muna gustuhing magtrabaho bago aralin ang negosyo namin.
Ang totoo, wala pa akong plano. Hindi ko minamadali ang pangarap ko. I worked hard for this for 4 years, and now, I am one step closer on it. Pero bakit ko nga naman pipiliing I-delay?
September and May ang exam every year, clearly hindi ako pwede ng May dahil next month na iyon and today is first week of April, I still have to review, kaya sa September ako kukuha.
“Kinausap ko sila tita, sabi nila mauna na raw sila, sa akin ka na sumabay,”
“Hindi kayo nagcecelebrate? Saan sila tito?” Tanong ko, tumingin pa ako sa paligid, hindi ko nahanap ang parents niya.
“Ate called, manganganak na raw yata siya, she’s actually sorry for me, kaya sabi nila Mama bukas na kami magcecelebrate.” Paliwanag niya.
Maraming tao at halos siksikan, nahanap ko pa rin si Mia at nagpaalam na.
I can feel Allen’s hand on the small of my back, maingat iyon at inaalalayan ako dahil marami nga namang tao.
Nakarating kami sa bahay at may mga hindi pamilyar na sasakyan doon, inisip ko nalang na baka sa mga kabigan ni mommy o sa kasosyo sa negosyo, hindi ako sigurado.
Allen opened the door for me, naglalakad kami at dala dala ko ang bulaklak, plano ko munang umakyat sa kwarto para magbihis at para maitabi itong bigay niyang bulaklak. I felt the urge to keep this, I’m just not sure why.
“Hija, naku. Ang tagal nating hindi nagkita, congratulations,” she then kissed my cheek. Bahagya pa akong natigilan dahil sa gulat. Alam kong posibleng maimbita sila dahil kaibigan ni mommy pero hindi ko alam na nandito sila? I thought they are now based outside the country?
At kailan pa sila nakauwi?
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Thank you tita, akyat muna po ak-”
Pinutol niya ang sasabihin ko sana, “Ah, I see. Nabigay na pala sa’yo ni JC.” Lumipat ang tingin niya sa bulaklak na hawak ko.
JC?
“Oh no tita. Don’t get the wrong idea,” halos magbuhol ang mga salita ko at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na hindi pa kami nagkikita ni JC at na galing kay Allen itong bulaklak. Tumingin ako sa likod ko at nakita na naroon pa si Allen, he gave me an assuring smile. May mga ilang kabatch din ako na naimbitahan at hindi naman halos lahat nakadalo dahil may kanya-kanyang celebration kasama ang mga pamilya.
Pero ang iba ay narito, kaya paglingon kong muli kay Allen ay may kausap na siya na kakilala. I only stop worrying about him because of it, besides he’s old enough to handle himself.
Bakit kailangan ko pang mag-alala sa kanya?
“I told you hija! May surprise kami!” My mom’s voice bring me back to reality.
“Hi Cierraine, here, congrats.” Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at hindi ko sigurado kung paano ko pa ba iyon tatanggapin o ano, I want to keep Allen’s but it is big compare to what JC is giving me, but still. Kailangan kong tanggapin iyon, i don’t want to be rude.
“Thank you, JC. Mom, saglit lang po I’ll just change.” Nagmamadali akong umalis doon dahil pakiramdam ko sasabog sa nararamdaman. I should be happy right?
He is back at ang dapat kong nararamdaman ngayon ay kasiyahan. Pero malayong malayo ito sa nararamdaman ko ngayon? O baka dahil naghihinanakit pa rin ako? Hindi ko alam at hindi ako sigurado.
Pinatong ko ang dalawang bulaklak sa kama at bahagyang humiga bago nagpalit ng damit. Eksaktong katatapos ko lamang ng may kumatok. Palabas na rin naman ako kaya hindi na ako sumagot at lumabas na rin.
Halos mapatalon pa ako sa gulat ng makita na si Allen iyon, well he knows where my room is dahil kapag lasing hinahatid niya ako madalas. And my parents trust him so...
“Magpapaalam lang ako,” aniya. His tone is not the usual, I’m starting to think there is something wrong.
“Hatid na kita sa labas, kain ka muna pala, hindi ka pa kumakai, ah?”
“Hindi na, susunod pala ako sa hospital,” aniya. At hindi ko alam kung sa akin ba talaga o sa sarili niya iyon sinasabi?
Sumama ako pagbaba sa kanya at medyo marami nga ang tao, palabas na sana kami ng bahay ng makita ako ni daddy.
“Cierraine, come here. She’s my daughter,” hindi ko na naintindihan ang ibang sinabi ni daddy dahil ang buong atensyon ay kay Allen lamang, sinenyasan niya ako na uuna na siya paglabas at itinaas ang cellphone. I pouted a little, gusto kong magpasalamat ulit sakanya, pero I can’t leave my dad, so I signed back and gesture to my dad.
Tumalikod na siya at humarap na ako kay daddy.
“Congratulations hija, magna cum laude ha? And accountancy ang course mo, naku ang galing mo hija,” puri sa akin ng kausap ni daddy, probably one of our investors o ano, hindi ko sigurado.
Lumapit sa akin si mommy at iginiya ako sa lamesa kung saan naroon sila JC at ang parents niya.
“You should eat first,” sabi ni mommy.
Sinunuod ko nalang ang sinabi niya at kahit gustong maghanap ng iba pang pwesto, nakakahiya naman kung hindi ko kasama sa table sila mommy.
“Mukhang maitutuloy niyo na ang naudlot niyong relasyon, lalo na at dito na kami magsesettle,” sabi ng mommy ni JC. She’s not telling it to me directly, in fact she’s like telling it to no one in particular.
I laughed awkwardly and tried to ask help from my mommy.
Ngumiti si mommy bago nagsalita, “Leave it sa mga bata, it’s for them to decide, hindi ba?”
Nagpatuloy sa kwentuhan ang dalawa, at nang matapos akong kumain nagpaalam ako na lalabas lang para magpahangin.
Kinuha ko ang cellphone at nakitang may text doon si Allen.
From: Allen
Hey, congrats again. Maybe let’s celebrate some other time together. Sorry I had to go early, will try to come back for the after party.
My parents allowed me to throw an after party here in our house, surely Mia would come later dahil nalaman niya na rin ito bago pa ang mismong graduation namin.
Magrereply na sana ako pero natigilan dahil umupo si JC sa tabi ko. Bahagya akong lumayo.
“You’re distant,” aniya. Hindi ko sigurado kung dahil ba iyon sa paglayo ko noong umupo siya o ano.
“I thought you’d welcome me open arms,” aniya at malungkot na ngumiti.
“I thought so too, tagal ko naghintay e?”
“Labas tayo bukas? If it is okay with you, why don’t we give this a try again?” His voice is careful.
“Uhm.. I’m not sure kasi may after party pa? I might get drunk and you know, baka late magising?”
“It’s okay kahit dinner,” pilit niya. Pakiramdam ko wala akong karapatang tumanggi o ano kaya pumayag na rin ako. Just one try. It’s not like he’s still capable of hurting me. But I have no plans pf trying this one again, natatakot akong maiwan na naman at hindi piliin. I don’t think I can deal with that pain again.
“Alleeeeen!!” Tili ni Mia nang makita na dumating na si Allen sa kalagitnaan ng after party.
“Hey, di ako nakareply sorry.” Bulong ko ng makalapit siya sa akin. Nasa siko ko agad ang mga kamay niya at tila inaalalayan ako, I laughed because of it. Baka iniisip niya lasing ako?
“Muling ibalik ang tamis ng kahapon, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal,” kanta ni Shat na sinabayan pa ni Mia, kanina pa nila ito kinakanta dahil katabi ko sa upuan si JC.
Tumango si Allen kay JC bilang pagbati bago umupo sa tabi ko. Nasa gitna tuloy nila akong dalawa. They are good friends, baka dapat lumipat ako ng pwesto?
“CR lang ako,” sambit ko matapos tumayo.
Sabay na tumayo si JC at Allen kaya naguluhan ako, don’t tell me?
“Samahan na kita,” sabay pa sila!
Hindi naman kailangan dahil bahay namin ito. Pinigilan sila ni Mia at pinilit paupuin kaya nakahinga ako ng maluwag at naglakad palabas.
I still can’t believe he’s back, my heart is longing for him from long time ago, but now that he is here. Pakiramdam ko wala na.
“Aren’t you cold?” Tanong ni Allen, umiling lang ako. I smile because of his simple question. Inaya ko na rin siya sa loob dahil baka hinahap na kami doon.
Nagsiuwian na in ang iba at ang iba naman na hindi na kaya ay sa guest room nalang natulog, pinahanda na iyon ni mommy dahil anoya ay posibleng ganito nga ang mangyari at may maparami ang inom.
Kinabukasan nagdinner nga kami ni JC kagaya ng napagkasunduan. Akala ko hindi na masusundan ang mga iyon pero napapadalas ang pagpunta niya sa bahay at ang pag-aaya niya na lumabas. Nagpatuloy iyon sa loob ng isang linggo hanggang sa ibalita nila mommy na open na ang mga review centers for classess.
Indeed, I am happy that he’s back, but I am no longer the happiest when I am with him.
Since we had the same degree, sabay na rin kaming nag-aral sa review center at mukhang napagkasunduan na ito ng mga magulang namin dahil napa-enroll na kaming dalawa. At sa maynila!
Pahirapan akong magpaalam kay mommy na lalabas bago pumunta ng maynila. Pumapayag lang siya kapag kasama si JC o ano, pero hindi naman pwedeng siya ang kasama ko!
Tumakas lang ako isang gabi bago ako umalis. I texted Allen but he’s not replying. Napansin ko rin na parang iniiwasan niya ako simula pa noong graduation.
Tiningnan ko ang cellphone ko na wala pa ring reply galing sakanya. Hindi rin sinasagot ang tawag ko kaya nagpasya akong maglakad lakad muna sa park. This is our favorite place. Maingay, buhay na buhay at parang puno ng pag-asa.
“Sabi ni tita umalis ka raw, galing ako sa bahay niyo. I even cover up for you,” aniya bago umupo sa tabi ko.
“Paano mo nalaman na nandito ako JC?”
“Wild guess?”
Well, alam niyang mahilig ako sa mga park kaya siguro nalaman niya na ito ang una kong pupuntahan kung wala ako sa bahay.
“Tita is worried, baka maiwan daw tayo ng bus?” Basag niya sa katahimikan. Tumango lang ako at tininnan ang cellphone, sinubukan ko pa siyang tawagan pero hindi talaga sumasagot.
“May pupuntahan lang ako,” sambit ko at nagmadaling maglakad para humanap ng taxi.
“I’ll drive you there,” aniya at hinila ako patungo sa kotse. Walang nagsasalita sa amin pero patuloy siya sa pagmamaneho, napakunot ang noo ko nang tumigil kami sa tapat ng isang bahay.
Paano niya nalaman na gusto ko ditong pumunta?
“Make it fast, tumatawag na si Tita kanina.”
Tumango ako at nagpasalamat, nagmamadali akong lumabas at tumawag sa bahay nila Allen pero parang wala rin, walang tao. Pero wala naman siyang nabanggit na aalis siya o ano.
I stay there for half an hour kung hindi pa ako sapilitang isinakay sa kotse ni JC dahil tumatawag na sila mommy, hindi ako aalis.
“Hija I was worried, akala ko kasama mo si JC.” Salubong sa akin ni mommy. Nakababa na rin ang dalawang maleta sa sala, isa para sa libro at ang isa para sa mga damit.
Hinatid nila kami sa sakayan ng bus, it was my idea na mag commute, mom initiated na ihatid kami pero kalaunan nakumbinsi ko na rin naman, basta raw at kasama ko si JC.
Madaling araw na kami dumating sa bahay nila JC sa manila, mom told me to just stay here instead. Anila mas magiging panatag sila ni daddy kung hindi ako magdodorm at dito nalang dahil marami namang kwarto ang bahay nila.
Sinalubong kami ng caretaker na mukhang sa sala natulog dahil sa pag-aabang sa amin. Sinamahan niya pa ako sa silid, nagpalit lang ako ng damit dahil mainit dito, nilamon na rin ako ng pagod at antok kalaunan.
“Gusto mong mamasyal? I’ll tour you, para pamilyar ka na rin bukas pagpasok natin.” Simula niya sa usapan habang kumakain kami.
Pumayag na rin ako dahil kailangan kong mag-adjust, hindi kami nag commute dahil mainit daw. Hindi ko alam na may kotse rin pala siya dito, well maybe they are filthy rich now?
“Spare car? Naks, payaman,” biro ko at ngumisi.
There is no need to dwell with what happened between us it the past. It’s all in the past now, and we’re in the now.
I forgive him.
Napatawad ko na siya noon, at hindi na rin ako naghihinanakit. Alam kong iyon ang makabubuti para sa amin noon, we have to grow and that also means growing apart.
We part ways, at ngayon nagtagpo nang muli ang mga landas namin. My heart is at peace when I am with him, the familiarity he’s giving is soothing and comforting.
“Iyan ang review school na papasukan natin, medyo malayo pero pwede naman lakarin, depende sa’yo,” aniya.
Tumango lang ako at tiningnan ito, base sa layo nito muna sa bahay mga kinse minuto na lakad, pero dahil nakakotse kami halos limang minuto lang.
Nagpatuloy siya sa pagdrive at tumigil ng nasa may SM Manila na. Aniya kumain daw muna kami ng merienda dahil ang kain namin kanina ay almusal-tanghalian na.
He’s still playful, nagtatawanan kami habang naglalakad palabas ng SM Manila at napagkasunduan na maglakad lakad muna sa Luneta.
Because it is Sunday, SM Manila is crowded, mainit nga naman sa labas kaya mas gugustuhin nila doon dahil sa aircon.
“Thank you,” simula ko kaya kunot ang noo niyang napatingin sa akin.
“Bakit?”
“For coming back,” sagot ko at ngumiti ng malungkot.
“But I came back late,” halos pabulong na iyon pero sapat para marinig ko.
“Sobrang sakit noon, alam mo ba? I had to deal with acads and a broken heart at the same time, pero kinaya ko, look at me now? One step away from my dreams, it used to be our dream, pero ngayon magkahiwalay na tayong aabutin ‘yon. Anyway, don’t get me wrong, I am not mad. Hindi ako galit noong umalis ka, we were still powerless then, we don’t have a choice but to follow our parents, kaya sa tingin ko tama lang. Tama lang ‘yung desisyon natin.”
Nanatili siyang hindi nakatingin sa akin.
“You came back just on time, at least you helped me sort out my feelings,” sabi ko at tumayo na.
Maglalakad na sana ako pero nahawakan niya ang kamay ko, nakaupo pa rin siya pero pagkaharap ko tumayo siya at niyakap ako.
He gave me the familiar warmth, the one we feel when we’re at home.
“I love you, still.” Bulong niya at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.
“Nagdesisyon na ako,” bulong ko.
“I know,” aniya at tumawa. Tumingin siya sa ulap at nagbuntong hininga.
Don’t cry, JC.
“Let’s go,” aniya.
Habang nasa sasakyan sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari, he told me he’ll support me. Kaya pagkatigil na pagkatigil ng kotse bumaba ako para kunin ang ibang importanteng gamit.
I will now follow my heart’s desire.
Halos patakbo ako papunta sa pinto at biglaan ang pagbukas ko noon, mas nagulat ako sa dinatnan ng mga mata ko pagbukas.
Allen was there. Prenteng nakaupo sa sofa nila JC. Nanatili akong nakatigil at natauhan lang ng pumasok si JC.
Allen broke the silence first.
“Pinapasok ako kasi kilala ako dito, buti hindi nagpalit ng caretaker sila tita.” Aniya at lumapit kay JC para tapikin ito sa balikat. Ah, they were best of friends, kaya makakapasok talaga siya dito even without JC.
But, why is he here?
“You wench, hinanap kita kasi magpapaalam ako!” Sigaw ko at lumapit sa kanya para sabunutan siya at hampasin.
JC just laugh as if he didn’t confess me a while ago, “You should calm her down bro, akyat muna ako.” Aniya at mabilis na pumunta sa hagdan.
I rolled my eyes.
“Hindi mo ba ako I wewelcome?” I can feel the sarcasm in Allen’s voice, pero nakabuka ang mga braso niya.
My heart is beating too fast when I walk near him slowly, I waited long for this.
“I was there,” bulong niya.
Haharapin ko sana siya para tanungin kung anong ibig niyang sabihin doon.
“Noong pumunta ka sa bahay,” dugsong niya.
“Hindi lang ako lumabas. Natakot ako na baka kahit lumabas ako, o magmakaawa na ‘wag kang umalis, kay JC ka pa rin sasama.”
I tried to let go pero lalong humigpit ang yakap niya. I hugged him tighter, too.
“Natatakot din naman ako, natatakot na akong masaktan, natatakot akong maiwan. Kasi ‘yung sakit noon, sobrang hindi ko maipaliwanag. I can almost feel it physically,” sambit ko.
“I know. I was there, when you were healing. Ako nga naging comfort zone mo, ‘yung sakit na naranasan mo noon, hindi ko na maaalis yon para hindi mo maramdaman. At yung mga nangyari noon, hindi ko na mababago. Pero mahal kita. At sigurado ako na kung masasaktan man kita, gagawin ko ang lahat para matabunan ang sakit na nararamdaman mo.”
I smiled before shaking my head. Hindi na mahigpit ang yakap niya kaya bahagya akong lumayo at hinawakan ko ang pisngi niya.
“No Allen, I became this strong because of you. Thank you for everything, for always helping me pick myself up piece by piece when I was so broken.”
JC may hold a special place in my heart because we used to be together, I cannot erase him from me or from my system kagaya ng gusto kong mangyari. Hindi naman siya kailangang burahin, he was and still a good friend, it will remain that way.
Malaki ang pasalamat ko dahil iyong nangyari sa amin, it made sense now. He left for me to have Allen.
And Allen is the most wonderful that ever happened to me.
I was out of words.
Comments
Post a Comment