It sinks in, so I took a step away.
“Seraphien, saan ka pupunta? Akala ko sasamahan mo ako?” Aniya, kaya natigilan ako sa paglalakad. Pinili kong hindi kumilos, hinintay na makalapit siya sa akin habang pinipilit pigilan ang mabilis na tibok ng puso sa takot na baka marinig niya ito.
Pumikit ako nang mariin bago nagbuntong hininga at pinilit ang sariling ngumiti bago humarap sakanya, nananatili sa pwesto.
“Oo! Oo nga pala. Akala ko hindi na tuloy, pababa rin kasi talaga ako dahil ako ang assign ngayon na kumuha ng mga pagkain.” Sagot ko at pinili na lamang tingnan ang paligid, dahil mas gusto kong hindi salubungin ang mga tingin niya. Nakakapanlambot ng tuhod!
“Ngayon na ba ‘yon? Baka pwedeng ihatid muna natin ang pagkain sa taas, maghihintay sila.” Bahagya akong tumawa para mawala ang tensyon sa pagitan namin na pakiramdam ko ako lang naman ang nakakaramdam.
Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad, bahagya pa akong natigilan dahil sa pagkamangha. Parang hindi naman yata tama na kahit side view lang ganito na ang epekto niya sa akin, sobrang lakas nang dating ng panga niya!
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko kaya marahas akong umiling, imposible! You’re so impossible Sera!
Naguguluhan siyang tumingin sa akin kaya agad akong ngumiti, para ipakitang wala naman talaga siyang epekto sa akin. Baka akalain pa niya na apektado ako sa panunukso sa aming dalawa sa unit, hindi ‘no!
“Rai, ano sainyo?”
“Lunch. Kami ‘yung kukuha. I mean, si Sera ‘yung assign ngayon, I’ll just help her.” Sagot niya sa isang baritonong boses. Dapat lang na siya ang sumagot dahil siya ang tinanong, samantalang ako ang naka-assign? Siya ang napansin dahil…. siguro malakas ang dating niya. Bahagya kong tiningnan ang babae sa counter na kumikinang ang mga mata, bahagyang umikot ang mata ko sa iritasyon.
Bahagyang natulak din ako ng isang lalaking kasabay namin na halos nagmamadali dahil marami atang calls sa kanila ngayon, sabagay sa sitwasyon nga naman ngayon, siguro maraming nasa alanganing sitwasyon. Buti nalang din magaan lang sa unit namin, well maybe because our station deals with those who are in need, emotionally.
Napabalik ako sa sarili dahil naramdaman ko ang kamay ni Rai sa balikat ko, dahilan para tingnan ko siya na tila nagtatanong ako. Hindi siya sumagot pero masama ang tingin niya sa lalaki sa gilid ko.
“Den, dahan-dahan. Nakakasagi ka oh!” Bahagyang tumaas din ang boses niya, kaya bahagya ko siyang itinulak palayo matapos humingi ng paumanhin kay Den.
“Ano ‘yon?” Mahinahon kong tanong, pero hindi naman agad niya nasagot at hinilot ang kanyang sentido.
“Itinulak ka niya!” Agad kumalabog ang puso ko sa reaksyon niya, bakit ka ba ganyan Rai? Unconciously, you’re making me fall, real hard.
“Huh? Hindi ko nga naramdaman, baka may emergency din kasi, alam mong busy sa station nila.” Depensa ko at lumapit na sa counter para kunin ang mga pagkain.
“Thank you!” Pahabol ko sa babae dahil agad nang kinuha ni Rai ang mga iyon at padarag na pinindot ang elavator.
“Dahan-dahan! Pagkain ‘yan!” Sinubukan ko ring kuhain ang ilang mga nasa lalagyan pero hindi niya binigay, naagaw ang atensyon ko ng braso niya, it looks so manly! His veins are showing at mas nadepina pa iyon dahil sa bitbit niyang pagkain.
“Foods are here guys!” Salubong ko sa nasa unit at inilagay ito sa lamesang nasa gitna. Mga nakakalokong ngiti naman ang isinalubong nila sa akin, na hindi ko mawari kung dahil ba sa pagkain o dahil magkasama kami ni Rai?
“Adjusted ang duty niyong dalawa, 1am-9am kayo. May nagpaalam dahil may emergency bukas kaya biglaan.” Anunsyo ni Sir na siyang nagmomonitor sa amin.
“Okay lang sir, thank you po.”
Nagpaalam na rin kami dahil si Rai pala ang naatasan na mag grocery ng supplies ngayon. At bilang kaming dalawa ang halos magka-edad, madali kaming nagkasundo. Naalala ko noong tinawagan ang buong team para ipaalam na kailangan na naming mag stay-in sa building para sa kaligtasan namin.
“Po, sir?” Bayolente ang reaction ko.
“Nag-announce ng lockdown, kakaunti ang volunteers ngayon sa red cross at kailangan stay-in na kayo dahil maging public transportation ay isususpende, isa pa, para rin ito sa kaligtasan nating lahat.”
“Opo, nagegets ko po sir. Ang concern ko po, ngayon na po mismo? Ngayon na susunduin?”
“Ah, oo Sera, papunta na si Rai ngayon sa place mo, nasabi ko na sakanya na sabay na kayo.”
Halos magmura ako sa narinig. Wala pa akong nakahandang mga gamit! Magalang akong nagpaalam kay sir at mabilisang kumilos para sa mga gamit. Kalalabas ko pa lang ng maleta pero tumunog na ang doorbell, hindi ko alam kung ano ba ang uunahin ko, kung piliin ko bang mabilisang gumayak o buksan nuna ang pinto dahil siguradong ‘di ko rin naman matatapos kung gagayak nga ako.
“Hi!” Bungad ko sakanya pagkabukas.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin, parang walang pasensya ang isang ‘to! Kunot na ang ang makakapal niyang kilay at lalong naningkit ang mga mata. Alam kong hindi kami close at hindi naman talaga kami nag-uusap, pero ilang taon ko na rin siyang nakakasama sa red cross, and he’s cute and alright, he’s my crush!
“I’m sorry! It’s so sudden! Akala ko mga isang oras pa o ano, pasok ka muna.” Nilakihan ko ang bukas ng pinto para bigyan siya ng daan. My place is enough for me, but when he entered, pakiramdam ko ang liit bigla! Well, I like his height, ideal!
“Matagal ba? May mga kailangan pa kasi akong bilhin na pinasuyo ni sir, kung gusto mo, babalikan nalang kita?”
Sa lahat nang sinabi niya, ang pinakatumatak at nagpaulit-ulit ay ang sinabi niyang babalikan niya ako? Kung ganoon, iwan niya ako?!
“‘Wag mo akong iwan!” Halos pasigaw kong sabi at agad akong namula nang mapagtanto ang sinabi. Nakakahiya ka Sera!
Halatang nagulat din siya sa sinabi ko kaya naman naupo na rin siya at nagpasya na akong pumasok sa kwarto para maigayak ang mga damit at iba pang essentials. I also double checked my IDs and other neccesities.
“Let’s go!” Masigla kong sambit habang hinihila ang itim na maleta.
Alangan siyang tumayo at pabalik-balik ang tingin sa maleta ko at sa akin, kunot pa ang noo niya, pero hindi nakatakas sa akin ang munting ngiti sa labi niya. Ako na ba ang kaligayahan niya ngayon? Bahagya akong ngumiti dahil sa naisip.
I made sure the house is locked at hinila ang maleta nang maramdaman ko na tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa kamay niyang sumagi sa akin nang kinuha niya ang maleta, siya na ang nagdala noon at inilagay sa likod ng sasakyan. I wonder if this one is his car, kung mayaman naman siya, bakit pa siya magvovolunteer? Well, I’m not judging but most rich people are arrogant or maybe we just don’t get along.
“Bilis,” boses ni Rai ang gumising sa akin mula sa iniisip.
“Alam mo hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sa’yo ba ‘tong kotse o baka carnap mo?” Pabiro kong sabi bago humalakhak, umiling lang siya at binuksan ang pinto. Hinintay pa niya na maikabit ko ang seatbelt bago ito isinara at umikot para pumunta sa driver’s seat.
“Alam mo, you’re safer sa Canada. Kaya bakit ka nandito? I mean nagpaiwan ka? Kung hindi, mas safe talaga doon!” Pangungulit ko na naman sakanya habang nagmamaneho siya.
“Study,” simple niyang sagot. Agad naningkit ang mga mata ko at tinitigan siya habang nagmamaneho at iniisip kung anong tumatakbo sa isip niya. Hindi pa rin ako naniniwala na study lang, kung study pala e ‘di hamak na mas magaganda ang eskwelahan sa Canada.
“You don’t believe me?” Aniya sa isang tonong hindi iritable pero tila pinipilit na iyon ang nararamdaman niya.
“Probably girls?” Tanong ko pabalik.
“Probably,” matapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako nagsalita. Damn lucky girl, sino ka?
Tumigil na ang sasakyan at agad kong binuksan ang pinto, pero ayaw mabuksan kaya masama ko siyang tiningnan dahil nakalock pa!
“Mask mo,” aniya at ipinakita ang face mask na hawak, habang ang kanya ay suot na niya.
“Akin na,” sagot ko at sinubukan itong kunin sa kanya.
“Madudumihan, ako na.” Aniya kaya naguluhan ako. Tiningnan ko ang mga kamay niya at nakahawak iyon sa string sa magkabilang gilid, natigilan ako at ginamit niya ang pagkakataong iyon para lumapit. Dahan-dahan, inilagay niya ito sa akin at inayos pa ang mga takas na buhok ko.
Laking pasalamat ko sa mask dahil hindi na makikita ang pamumula ko! Bakit kailangan niyang gawin iyon, kaya ko naman nang ilagay iyon sa sarili ko, at hindi na niya kailangang ganoon kalapit. Ang puso ko, pakiramdam ko umakyat ako sa pinakamataas na bundok sa sobrang bilis nito.
Natapos din kami agad sa pamimili dahil may listahan siyang inihanda at tig-isa kami. Nagkita na lang kami sa sinabi niyang counter at pagdating namin sa counter, mabilis lang din ang naging proseso dahil kakaunti ang mga tao na ina-allow nila sa store bilang pag-iingat.
Pagdating sa parking, inilahad muna niya ang kamay niya sa akin, akala ko makikipag high five siya o ano kaya ganoon ang ginawa ko, pero biglang hinawakan niya ang kamay ko at inisprayan ng alcohol, maging ang nga pinamili namin at ang door handle!
“Wow, I’m with Mr. Cleaniest guy in our unit!” Sarkastiko kong sambit. Kulang na lang ay paliguan niya ako ng alcohol. Nang sa tingin niya ay ayos na ang papapaligo ng alcohol binuksan na niya ang likod ng kotse para sa pinamili bago ako muling pagbuksan ng pinto na hindi naman niya kailangang gawin.
Nagmaneho na siya at nagtaka ako dahil sa isang open space malapit sa building siya tumigil at hindi sa parking area. Nagtatanong akong tumingin sakanya. Nakita ko pang mariin siyang pumikit bago nagsalita. How can someone be so handsome by doing little things?
“Ako na ang magdadala nitong pinamili. Are you tired?” Aniya. Walang duda, kung magchecheck ako ng blood pressure ngayon baka high blood ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
“Hindi naman, tsaka ikaw talaga dapat ang magdala dahil ikaw naman ang inutu—“ hindi ko na natapos ang dapat sasabihin dahil pinutol niya.
“Listen, Sera. Don’t go to bed. Nakahanda na rin ang damit mo, dumeretso kang CR, pinalagay ko na kay Meg doon bago tayo umuwi. I can’t risk you, okay? We were exposed outside so we have to be cautious, okay?” Nahimigan ko nang pagkabalisa ang tono ng boses niya at ang mga mata niyang tila may ibang ipinapahiwatig.
“Oo, sige. Salamat.” Halos hindi ko pa iyon masabi ng maayos dahil sa kaba! Ano na naman ba itong ginagawa niya?! Matapos kong sumagot ay nagmaneho na siya papasok at dumaan ang sasakyan sa disinfection tent para masigurado ang kaligtasan ng lahat.
I followed his instruction, at dumeretso sa common bathroom. Naroon nga si Meg at nakahanda na ang mga gamit ko, nagpasalamat ako at nagmadali na ring magbihis.
Nakahiga na ako sa taas na parte ng double deck ng may kumatok, iniikot ko ang paningin sa kwarto, limang double deck ang naroon na sapat lang para sa aming mga babae, kumpleto naman na kami at kung sakaling may papasok bakit kakatok pa?
Pinili kong pumikit, bago iyon ay nakita ko si Meg na tumayo para tingnan kung sino ang may sadya sa kwarto namin. Magkahiwalay ang kwarto ng babae at lalaki, pero hindi naman sila mahigpit kung may gustong lumabas, mag hang out o ano.
Hinihila na ako ng antok pero bago iyon tuluyang mangyari ay narinig ko pa ang boses ni Meg.
“Ha? Pagod yata? San ba kayo galing? Tulog na nga! Bukas na, tsaka di talaga nagdidinner ‘yon minsan, bigay ko nalang maya pag nagising or bukas na, text mo na rin siya, inform her or something.”
“Ugh, nagugutom ako,” reklamo ko pagkagising sa madilim na silid. Tiningnan ko ang cellphone ko para sa oras, at nakitang alas dose na, kaya pala tumutunog ito, mabuti nalang at hindi sila nagising. Napansin ko rin ang mensahe ni Rai.
From: Raiyaya
I went to your quarter, you’re asleep. I gave your food to Meg. You forgot to eat.
Matapos kong kumuha ng jacket ay hinanap ko ang pagkain at dinala sa labas, nagreply na rin ako kay Rai para magpasalamat. May duty kami ng 1am! Kaya nagmadali na rin akong kainin ang bigay niya bago naglinis.
“Hijo de-“ hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa halakhak niya. Halatang natuwa siya na nagulat ako rito. Dahil pagkatapos kong kumain pumasok ako muli sa kwarto para kunin ang gamit ko at paglabas ko naroon na siya at nakasandal sa pader sa may pinto, bagay sakanya ang dim lights. Mas nadepina ang kagandahan ng hulma ng mukha niya.
Matapos ang duty namin kinaumagahan, hinatid niya na naman ako sa kwarto, na nakapagtataka dahil napapadalas niya na yatang ginagawa. Matagal ko namang pinangarap, pero sa mga simpleng aksyon niya minsan nagugulat pa rin ako at kinakabahan. President’s speech every week is obviously an evidence that the current situation is getting worse. Mas dumarami na rin ang tumatawag at sa mga araw na lumilipas, the calls we’re receiving are getting more and more desperate. Fighting that virus is hard. Mahirap nga namang kalaban kung hindi nakikita, at ang mga tao na ilang buwan ng walang trabaho at nananatili sa bahay ay nagsisimula nang magreklamo.
Minamasahe ko ang leeg ko, nang tumunog ang cellphone ko. Bahagya ko itong tiningnan at nakitang announcement ito para sa summer class na kasalukuyan ko ring pinagkakaabalahan maliban sa pag volunteer sa red cross. Ang nakalagay ay tungkol sa final exam, tatayo na sana ako para kumuha ng tubig.
“Here, I noticed you look stress. Finals?” He asked, which I just nod as an answer. Kinuha ko rin ang tubig na ibinigay niya, hindi niya muna ito iniabot at binuksan muna. Alam niyang hindi ko pa rin minsan nabubuksan ang bote ng tubig, kung bakit ba naman napakahigpit at tila ayaw paghiwalayin at mabuksan, e talaga namang kailangan nilang magkahiwalay.
“Thank you, di ka pa duty?” Tanong ko matapos uminom, mabuti nalang wala pang calls ngayon.
“Wala akong duty ngayon, pero mamaya sa field ako pinagrereport,” sinubukan kong hanapan ng takot ang mga salita niya o ang ekspresyon ng mukha ngunit wala akong nakita, na para bang inasahan niya talaga na siya ang ipapadala sa field para sa report.
“Ano oras tapos ng duty mo?” Napatingin ako sa relo dahil sa tanong niya at napagtanto ko na tapos na pala ang duty ko, pero hindi pa ako pwedeng umalis.
“Tapos na pala! Pero wala pa si Geli, siya ang papalit sa akin,”
Isang tango lang ang iginawad niya at lumabas na sa silid. Inayos ko na rin ang gamit ko para makaalis kung darating agad si Geli. Pansin ko rin ang mga kasamahan ko na busy sa mga calls na natatanggap nila, sa gitnang parte ng silid ay isang malaking monitor kung saan makikita ang datos at graph ng mga infected. Halos umabot na ito ng sandaang libo, hindi biro para sa isang bansang hindi naman kaunlaran, at hindi rin naman ito kalakihan, kaya bakit parang walang ginagawa ang gobyerno at patuloy pa rin ang pagtaas?
“Sis, sorry! May emergency kasi, you can go na. Thank you!” Boses ni Geli ang bumungad matapos ang pagmamadaling pagbukas niya sa pinto.
Naisip ko si Rai at ang sinabi niya na sa field siya magrereport mamaya. Minsan kailangan talagang may lumabas dahil may mga nirerescue sila na nahaharass sa bahay nila o ano, at sobrang delikado noon dahil sa mga posibleng mga makasalamuha na may dalang sakit.
Deretso sana sa kwarto ang plano ko para makapagreview sa exam, pero nabigla ako dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa silid, may kamay na biglang humawak sa braso ko, natigilan ako dahil doon. His grip were soft and gentle as if making sure I will not escape. Naramdaman ko na naman ang mga boltahe ng kuryente na gumagapang sa katawan ko at ang mga paru-paro na nagsisimula nang mabuhay sa loob ko.
Akala ko umalis na siya kanina?
At bakit niya ako hinihintay?
Tulala pa rin akong nakatingin sa braso ko na hawak niya nang magsimula siyang maglakad kaya wala akong magawa kundi sumunod sakanya. Slowly, he slid his hand and hold mine. Sobra bang hingin kung sa panahon ngayon, ang gusto ko lang ay makasama siya? Screw the situation, screw other people, I hoped for this moment to happen long ago and now it’s coming to life.
Nitong mga nakaraan, napapadalas ang pag-aaya niya sa akin sa rooftop, minsan sa isang terrace ng building na kita ang buong lugar na nagliliwanag sa gitna ng gabi, sa gabing payapa na natutulog ang lahat, nasa kanya-kanyang mga bahay, wala ni isa ang gustong lumabas sa takot na makakuha ng nasabing virus. Those little moments spent with him were everything to me. Despite of the crisis we are facing now, deep inside me I feel happy and contented. Sa ngayon, hinahayaan ko nalang muna ang puso ko sa gusto niyang mangyari, kahit isang araw alam ko naman na aalis din siya, he spill it to me isang araw na nagkausap kami.
“Kinausap ako ni mama,” panimula niya isang araw habang kumakain kaming dalawa. Tumingin lang ako sa kanya, hindi alam ang sasabihin.
“Once everything is settled, sabi niya ireready niya na ang papeles ko. She wants me to follow them,” patuloy niya at bahagyang umiling.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I know I clearly told him it’s better for him to follow his family but now that it’s coming from him, parang iba pa rin ang dating. Parang iba ‘yung sakit, wala naman akong laban dahil pamilya niya iyon. I don’t want him apart from his family dahil kahit ako sa sarili kong alam kong mahirap ang ganoong sitwasyon.
“Nice,” ako ang unang bumasag sa katahimikan at ito pa ang nasabi ko! Common Seraphien, you are freaking better than that!
Kunot ang noo niyang tumingin sa akin, at sandaling nakitaan ko ng talas ang mga mata niya, “Nice?” Patanong niya siya hindi ko mawaring tono, parang galit? Naghihinanakit? O may bahid ng sakit? Pero pakiramdam ko sarkastiko iyon, and he laugh without humor!
“What are you thinking?” Rai snapped, the reason why I wenr back to myself. I still remember it, aalis siya! Kaya dapat lumayo na ako? Para mapigilan ang posibleng mas masakit na kakaharapin ko?
“Iniisip ko kung ready na passport mo,” sagot ko at ngumisi.
Huli na, wala na rin akong nagawa dahil alam kong hulog na hulog na ako. Sa mga simpleng paghahatid niya sa kwarto, paghihintay matapos ang duty, pagsama pagkuha ng pagkain, ni hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang makaramdam ng ganito sa kanya. Clearly, he’s my crush but I haven’t think anything deeper than that.
“You really want me to leave, eh?” Aniya.
Ngumisi lang ako, at napatingin sa mga kamay namin na magkahawak pa rin hanggang ngayon. Gusto ko siyang pigilan, but a strong love knows that some times, we have to grow apart. It is not always about growing together. Besides, I can follow him! Isang sabi niya lang nasisiguro kong walang pagdadalawang isip akong susunod, at halos mataranta pa. I think that’s how deep my love is.
“I think I’ll just wait for you,” ngumiti ako matapos sabihin ito, at ibinaba ang tingin sa mga kamay namin. I wish I could hold him a little bit longer. I hate the uncertainty the current situation is giving us.
“You should,” sagot niya bago ako kinabig at inikulong sa isang mainit na yakap. Bahagyang nagtubig ang mata ko dahil sa simpleng aksyon na naman niya. He gave warmth to my cold nights. I wish we could be like this more, I won’t ask for forver, just a little bit more.
Let him be safe, I’d welcome him open arms.
“Babalik ka naman diba?” Nag-aalala kong tanong matapos niyang alisin ang yakap.
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin, “Babalik ako sa’yo, Sera.” Aniya at hinalikan ang noo ko.
Is it too much to worry about him?
That afternoon, he left, with our team to rescue a girl who was abused in her home, I want her safe but I want Rai safer. I went on with my usual things that day.
The next day, I was waiting for him, I wonder what’s taking them so long. He didn’t came back, wala rin akong nareceive ni isang mensahe mula sa kanya. It took a lot of courage not to send him a message, I’m afraid I might distract him.
Nang sumunod na araw, nakaupo na ako sa tapat ng station ko pero halos hindi ko rin agad maaksyunan ang mga tawag dahil sa pag-aalala. Nagdesisyon akong ilabas ang cellphone at magtext sa kanya.
To: Raiyaya
Where are you? I want to see you, I miss you.
Matagal ko munang tiningnan ang mensahe, bago nagpasyang ipadala ito. I’m not the clingy type but I have to admit I miss him so much.
Hapon na, wala pa rin akong natanggap na reply.
“Meg? Nandyan na sila! Sa quarantine facility sila idederetso, infected pala ‘yung kasama noong babae sa bahay, she was harrased so most probably she is too, whatcha think?” Ito ang bungad ni Reifi dahilan para mabitiwan ko ang cellphone ko sa impormasyong ibinigay niya.
Nanginginig ang kamay kong pinulot ito, at tinawagan ang numero ni Rai.
He answered it, with teary eyes and shaking knees I asked him, “Where are you? Please, fucking answer me!”
“Nasa building na—”
Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi sa kabilang linya dahil tumakbo na ako papunta sa kanya. Kahit hindi ko alam kung saan ang eksaktong lugar. Pero kung kadarating at matagal silang na expose, sa isang lugar lang sila dinadala.
Isang kagimbal-gimbal na sitwasyon ang nadatnan ko, the girl they rescued were hysterical, which is acceptable since she was abused. Her feelings are valid, but how about everyone’s safety?
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang atensyon ko, Rai was holding her! She’s infected! Gusto kong sumigaw na huwag na niyang pigilan, dahil inilalagay naman niya sa alanganin ang buhay niya. Walang ibang makalapit maliban kay Rai, I understand they are all afraid.
The syringe were then injected to the girl they rescued. Nawalan siya ng malay at mga naka PPE na ang lumapit para kuhain siya.
Nanginginig ang tubod kong naglakad papunta kay Rai, abot kamay ko na siya pero humakbang siya palayo, umiling ako. Binilisan ko ang lakad ko at niyakap siya.
“Don’t let go, please, please.”
Patuloy niya akong inilalayo at dahil abala ang iba walang makatulong sa kanya, kalaunan sinuklian niya ang yakap ko.
Please let this not be our last hug.
In this hug I know I am risking my health as well, but damn that freaking health if I won’t be able to hug him like this again!
“Hush, baby. I will not let you go. 14 days lang, okay?” Kalmado niyang sambit, maybe he’s also trying to calm me.
Dahil doon, nailayo niya na ako at dumating na rin sila Meg.
Isang metro na ang layo ko sakanya. Umiiling ako at nagsimula nang tumulo ang mga luha.
“Why are you even crying? It’s not like I’m dying. Go save yourself, disinfect baby.” His voice is soothing and comforting.
Isang tango ang iginawad niya kela meg at hinila na ako ng mga ito sa cr, maging sila ay naligo na rin. Minsan naisip ko may usapan na sila ni Rai, na kapag ganito ang nangyari ganitong aksyon ang gagawin niya. Sabagay, magkaibigan na sila noon pa. I owe Meg a lot!
“May emergency meeting, pero pinapasabi ni sir na ihatid pa rin kita sa quarantine facility. Hindi ka naman itetest, but you have to follow the protocol, since you hugged Rai. That’s dramatic stunt back then ha,” she said then wiggled her brows.
Hindi ko siya mahampas dahil malayo siya sa akin!
Naiwan ako sa kwarto pero nandoon yung ginagamit ko sa station, mabuti naman at makakapag-entertain pa rin ako ng calls habang nandito dahil siguradong mababaliw ako lalo kung wala akong gagawin!
Pinasadahan ko nang tingin ang buong silid at nakitang may isang lamesa doon kung saan nakalagay ang computer na ginagamit ko, may kama, may cr at napansin ko rin ang lamesa sa labas ng pinto ko bago pumasok, marahil ay lagayan ng pagkain.
14 days it is, then I will live my life again. I did my usual routine. Day 1 and I’m still so full of positive vibes, I also took the final exam here and it’s fulfilling since summer term is finally over.
Lumipas ang mga araw at nakakausap ko si Rai sa pamamagitan lamang ng tawag. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi o ano. Nang tinanong ko si Meg, wala rin siyang sinasabi at mas pinipiling hindi ako kausapin.
“I miss you,” he chukled. Isa ito sa mga araw na kagaya ng mga nakalipas na magkausap kami sa telepono.
“Likewise. When can I see you? Even just a glimpse,” tanong ko, nagbabakasakali. Sabay lang naman matatapos ang quarantine period namin.
“Pagkalabas mo pa,” aniya. Nagtaka ako, hindi ba dapat pagkalabas namin? Bakit ako lang? Don’t tell me….
“Hey, I’m sorry Sera, got to go, take care okay?” Narinig ko pa ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto, may isa rin lg boses na hindi pamilyar at nagsalita tungkol sa injection pero hindi ko na nasundan dahil doon na natapos ang tawag.
That night, I waited for his call again. Pero walang dumating, kaya natulog akong bahagyang masama ang loob, dala na rin siguro ng pag-aalala at ng mga iniisip.
Ang posible lang naman na dahilan kung bakit hindi pa siya pwedeng lumabas ay kung magpositive siya…. agad akong umiling sa naisip, unti-unti ay bunabalot ng takot ang sistema ko, nanunuot sa bawat parte ng isip at pagkatao ko, dahilan para manginig ang kamay ko.
Bahagya lamang kumalma nang dumating si Meg, pinilit ko siyang magsalita tungkol sa totoong sitwasyon ni Rai, pero ang paulit-ulit niya lang sinasabi ay nasa maayos na kalagayan ang tao.
Malapit nang matapos ang self-quarantine ko at wala na rin akong natanggap na tawag mula kay Rai, inisip ko nalang na baka may importanteng bagay na kailangang unahin o ano. Pinalampas ko nalang dahil sa pinanghahawakan kong huling mensahe na natanggap mula sa kanya, “You promise me you’ll take care of yourself always, okay? And I want you to be happy, if not all, awast most of the time, and I know this is too much to ask, but please wait for me, baby.”
Ang mga nakasaad doon ay sapat na para paniwalaan siya, we don’t have any promises before and I don’t think it really matters. Afterall, kadalasan sa mga pangako nauuwi rin sa wala, ni hindi natutupad at madalas nakakalimutan.
Last day, nakahanda na akong lumabas at nasa tapat na ng pinto. Bubuksan ko na sana ito pero may narinig akong nag-uusap sa tapat mismo nito kaya pinili kong makinig.
“Gelu, don’t tell her. Rai asked me not to. Besides, it’s not our story to tell. Respeto na lang din sa desisyon ni Rai,” narinig kong halos pabulong pero halata ang galit sa boses ni Meg.
Nagpanting ang tainga ko sa narinig, hindi ko alam kung dahil may hindi sinasabi si Rai o dala na rin ng pag-aalala kaya padarag kong binuksan ang pinto at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.
“Seraaaa! You’re free,” eksaheradang bati ni Meg bago ako hinila sa braso at dinala sa kwarto, para na rin maibalik ang mga gamit ko.
“Yes, now tell me ano na bang nangyayari kay Rai?” Deretsa kong tanong.
Agad silang nagtinginan dalawa na para bang may mga mensahe na silang pinadaan sa isip ng bawat isa at sabay pa silang sumagot.
“Okay na!” Malakas na sigaw ni Meg, samantalang iba ang sagot ni Gelu na halos pabulong na lamang, “Well, he’s unstable.”
Agad akong napatawa, are they kidding me? Paano magiging unstable ang isang ‘yon e ang lakas lakas niya?
“Wag nga kayong magbiro ng ganyan,” tugon ko at umiling, kinuha na rin ang gamit para maayos ng tuluyan.
“Uhm, we’re not…” hindi maituloy-tuloy ni Gelu ang sasabihin at halos mapatay na siya ni Meg sa sama ng tingin niya rito na tila nagbabanta.
“Paanong unstable? We were texting and calling and…” hindi, hindi ko matanggap. That’s just impossible!
“Sorry,” ani Meg.
“Sorry for not telling me? Or for the situation?” Mapait kong tanong.
Lumabas ako ng silid at pumunta sa area na alam kong naroon si Rai, kung tama nga ang sinasabi ni Gelu. Maraming naglalaro sa isip ko, na baka nagkamali lang si Gelu, o trip lang nila, pinaglalaruan ako o ano, because as far as I remember, he clearly told me it will take just 14 days!
Isang transparent na salamin ang bumungad sa akin at sa loob noon, nakita ko si Rai, maraming machine sa katawan, probably to support his breathing, hindi ko alam! Ni hindi ko na gustong alamin, hindi ko na gustong malaman pa ang tawag doon o para saan ba, ang nasa isip ko lang, si Rai, na nakahiga roon na tila mahimbing na natutulog pero alam kong hindi, alam kong nahihirapan siya. Malakas siya, ganoon ko siya nakilala, kaya alam kung lumalaban siya, ngunit ang makitang ganito ang kalagayan niya ngayon, parang hindi ko kayang... hindi ko kayang tanggapin.
Ang hirap tanggapin na ‘yung taong naging malakas para sa atin ay makikita nating mahina at nahihirapan. At sa mga panahong sila naman ang mahina, dapat sana tayo ang magiging lakas nila.
Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko dahil doon, mahina siya at lumalaban... at hindi man lang ako makalapit sa kanya, para sana damayan siya, yakapin siya, aluin siya.
“Sera, nandito ka pala, ‘ah tapos na nga pala quarantine mo?”
Agad kong pinunasan ang luha ko bago tiningnan si sir, siguro binisita niya si Rai?
“Ano pong nangyari?” Sa halip na sagutin ang tanong niya ay nagbato ako ng panibagong tanong.
“Pina-test namin siya dahil sa mga sintomas na nararamdaman niya, kinabahan kami siyempre, pero umaasa kami na sana hindi, pero nung lumabas ‘yung resulta, positive ‘e, at… unstable na rin siya noon.”
May pag-iingat sa tono ng boses ni sir.
“Paanong… sir? Baka po mali? Kasi bakit po siya magiging unstable? Is it severe?”
Umiling si sir, “Mild lang hija, pero lumala dahil may iba pala siyang komplikasyon,” binitin ni sir ang sasabihin, hindi sigurado kung itutuloy pa.
Kung hindi naman pala malala, bakit unstable? At anong ibang… may sakit ba siya na iba? Paanong… paanong hindi ko alam? Lagi kaming magkasama, o baka hindi ko pinansin ang mga maliliit na detalye?
Huminga ako ng malalim at sinubukang isipin kung may pagkakataon ba na parang may naramdaman siyang kakaiba noong magkasama kami. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.
“Wait Sera, can’t we just use the elevator?” Pigil niya sa akin ng magsimula akong maglakad patungo sa hagdan. Wala pa naman kaming ginagawa kaya inaya ko siya sa rooftop.
“Ha? Gusto ko maghagdan, exercise din ganon. Ayaw mo?” Nagtataka kong tanong.
“No, I mean.. okay fine, let’s take the stairs,” aniya at ngumiti.
Noong mga sandaling iyon, akala ko nababahala lang siya sakin na baka mapagod ako o ano, pero nang isipin kong muli, habang umaakyat na kami, his pace were slow, and he’s breathing is not normal.
Agad akong umiiling, kaya napatingin sa akin si Sir. Malungkot siyang ngumiti. “A-anong sakit sir?” Tanong ko.
“Turned out, mahina ang puso niya, kaya ingatan mo dapat! Mauna na ako hija, hanggang dito ka lang at bawal na doon pumasok,” paalala pa niya bago umalis.
Iningatan ko naman. Pero bakit ganito?
Pakiramdam ko sa loob ng linggong iyon, napakabagal umusad ng oras, at sa bawat araw na lumilipas lalo akong natatakot dahil mas lumalala ang lagay niya. Gusto kong manisi, gusto kong sisihin ang babaeng niligtas nila. Gusto kong may masisi!
“May call ka sis,”
“Sera?”
“Sera may call ka,”
“Ikaw na muna Meg,”
“Sera!” Sigaw ni Gelu ang nakapagpagising sa diwa ko.
“Sorry, ano ‘yon?” Tanong ko dahil mukhang kanina pa sila may sinasabi.
“Sera.. sera, si Rai, he’s— ” tumulo pa ang mga luha niya.
Marahas akong umiling, hindi na nais marinig pa ang isusunod niyang sasabihin dahil nag-unahan na ang mga luha ko at buo na rin ang desisyon ko.
“Hindi ba parang biglaan naman yata?” Tanon sa akin ni sir nang magpaalam akong kailangan ko ng bumalik sa amin, pero nangako akong maghahanap ako ng kapalit.
“Hindi rin po ako makafocus sir, sa pag-aalala, napapabayaan ko po ang dapat gawin. Isa pa, tumawag po ang kuya ko, he’s asking for my help. I’ll try to help still sir, in other ways possible.” Paliwanag ko at sinusubukan pa rin siyang kumbinsihin, lalo ngayon at nabawasan sila ng mga tao. Pero alam kong hindi na ako magiging effective rito kaya mabuti pang umuwi na ako.
That night, I went home without my heart.
“Masakit pa rin?” Tanong ni kuya, nag-aalala sa sugat ko dahil sa pagkakahiwa ng kutsilyo, umiling ako. Nahuhasan ko na kanina at tumigil na sa pagdurugo.
“Oh ibang sakit?” Aniya at ngumiti nang nakakaloko.
Umikot ang mga mata ko dahil sa tanong niya na nagpaalala sa akin noon.
Pinili kong umalis noon para maiwasan sana ang sakit na posibleng maramdaman kung ipagpapatuloy ko pa iyon, pero alam kong nag-iwan ito ng malalim na sugat sa puso ko na hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin.
Kuya told me my feelings are valid but my ways are off. Iniwan ko siya noong mga panahong kailangan niya ako, sabay sana kaming lalaban pero nilamon ako ng takot, sabay kaming lalaban pero una pa lang alam kong posibleng iwan niya ako sa kalagitnaan? That’s something I can’t deal with.
Mabuti nalang at nakagawa kami ng mga alaala bago nangyari iyon, ang mga mumunting oras at panahon na kasama siya ay sapat nang maging baon hanggang ngayon.
Matapos kong umalis noon, hindi na ako nakibalita pa ng kahit anong tungkol sa kanya. Para sa akin, isa na lamang itong masamang panaginip, pero hindi kagaya ng iba, ang masamang panaginip na ito ay gusto kong maulit. Kahit paulit-ulit tuwing gabi, dahil ang ibig sabihin noon ay makakasama ko siyang muli.
Years have passed and slowly, those infected people healed. Slowly, the economy is coming back to life as well as the people of the country.
“Akala ko na-cancel ‘yan dati?” Tanong ni kuya habang nasa airport kami dahil inihatid niya ako.
“Oo nga, pero na rebook, yung agency na mismo nag-ayos, pocket money na lang ang gastos ko this time,” pagmamayabang ko sakanya, dahil iyong travel nila ni ate noong nakaraan ay gumastos pa sila para sa pagrerebook ng flight.
“Baka naman hindi ‘yung lugar ang sadya mo?” Aniya, parang iba pa ang nais iparating. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makuha ang gusto niyang sabihin!
“Ofcourse not kuya! It’s just really the country! Snow doon ngayon!” Depensa ko.
Umiling siya habang nakangisi at niyakap ako, itinulak na rin ako dahil baka mahuli pa sa flight. Years ago, I thought we won’t get over with the virus because of government incompetency, but against all odds, we made it. Slow pace, pero ayos na rin, naging maayos na ulit at nakakabawi ang bansa kahit nahirapan ang mga tao.
“Welcome to Canada,” naalimpungatan ako dahil sa nagsalita habang nasa eroplano pero hindi ko masyadong maintindihan dahil sa bahagyang hilo, laking pasalamat ko na lamang na nasa may bintana ang pwesto ko kaya nakabawi sa hilo dahil sa ganda ng tanawin doon. The city lights were lit and looks like at its peak, it complemented the dark skies and the some swirling lights from the car’s movement.
Hindi kagaya namin, mabilis nakarecover ang bansa nila, halos isang taon silang nauna sa amin, I envy them because of it.
The cold breeze of Canada welcomed me, hawak ang isang malaking maleta at ang sling bag, nagbuntong hininga ako.
“Rai, I’m here.” Mahinang bulong ko. Ang daming pumapasok sa isip ko, na sana nandito siya para salubungin ako, para ikulong ako sa kanyang mga bisig at maisantabi ang lamig ng bansa, o kaya’y magkahawak kamay kaming mamamasyal. Lahat ng posibilidad na magawa namin iyon ng magkasama ay nawala, I don’t know what happened to him after I left pero may kutob na ako. Hindi ko lang gustong kumpirmahin dahil pakiramdam ko mauupos ako, iyon na lang ang tanging pinanghahawakan ko, kahit nagbubulag-bulagan ako, sa ganitong paraan kinaya kong mabuhay dahil sa kaalamang nandiyan lang siya sa paligid, pero hindi na kami pwede. Mas gusto ko pa ang ideyang iyon kaysa sa isang bagay na pilit kong isinasantabi sa puso.
Bahagya akong tumingin sa taas dahil nag-iinit ang mga mata, sa ganitong paraan baka sakaling tumigil ang mga luha ko. Kahit mga luha nalang ang tumigil, dahil alam kong hindi titigil ang ikot ng mundo at hihintayin akong maging maayos bago magpatuloy.
Mariin akong pumikit at magpapatuloy na sana paglalakad ng may maramdamang katawan sa harap ko. Ni hindi ko napansin kung kailan iyon pumunta sa harap ko o kung nakaharang ba ako sa dadaan niya? O kung nabunggo ako, hindi ko alam!
“Sera?”
Pain enveloped me.
That same baritone voice! He just called my name.
Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata. Imposible! With my eyes wide open, I slap myself. Kung isa na naman itong panaginip, ‘wag nalang munan akong gisingin. Tiningnan ko ang mga maletang hawak, ang alam ko nakababa na ako sa eroplano? Baka naman kakaisip ko ito kaya napanaginipan ko na? Baka hindi pa talaga ako nakakababa sa eroplano, I laughed at my own thoughts. I’m crazy! I missed him this much that I am hallucinating.
“What are you doing here?” Dagdag na tanong niya.
“Wake me up, I mean no. It’s okay if this is just a dream, what matters to me is I’m with you,” mahina ang boses ko, kalmado at nag-iingat.
“What dream are you talking about?” Aniya sa isang seryosong boses.
“What?!” Sigaw ko kaya bahagyang nakaagaw ng atensyon, totoo ito! Hindi panaginip?!
Naglakad na ako palabas ng airport, nagmamadali at takot, hindi ko alam, baka mamaya multo iyon, o kaya talagang naghahallucinate na ako?
Pero pagkalabas ko nakasunod sa akin si Rai! Totoo ba ito? Minsan may mga pagkakataon na nakikita ko rin siya kaya nasanay na ako, siguro talagang hinahanap-hanap ko siya kaya ganoon. Pero ngayon? Sumunod siya!
“Excuse me? Can you see him?” Tanong ko sa driver at bahagyang nagpapanic, itinuro si Rai.
“Yes ma’am, I’m his driver, he asked me to come so we can pick you up here, he told me his friend ask him to,” sa sagot niya ako mas nagulat! Kahit nakakadugo ng ilong! His friend? E si kuya kang ang may alam na aalis ako ng bansa, that scumbag!
Rai is fucking real, this is no longer a fucking hallucination.
Alam kong hindi ko tinanggap ang ideyang wala na siya, pero ang makita siya rito ngayon? Hindi ko alam, hindi ko alam ang dapat kong sabihin kahit alam ko na marami akong gustong sabihin sa kanya. Lagi ko pang kinakausap at picture niya, at naghahallucinate pa akong nakikita siya kaya ngayong kaharap na, hindi ko alam kung ano o alin ang unang sasabihin.
“Hey,” aniya at ngumiti. He also offered me his arms, wide open. Kagaya noong iniisip ko kanina.
Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya, dahan dahan.
“Ang bagal mo, ako na ang lumapit,” he chuckled after that, giving me a warm embrace to save me from the coldness of this place.
Sa gitna ng isang malamig na gabi, natagpuan ko ang init na matagal ko ng inaasam.
❤❤👏👏
ReplyDelete