Detached
“Tita, tita sige na po. Gusto ko po siyang pakasalan! Handa po akong pakasalan ang anak niyo, kahit ganito ang sitwasyon. Tita, nangako kami sa isa’t isa, siya nalang po ang mayroon ako.” Pagmamakaawa ko na halos hindi ko rin masabi nang maayos dahil sa mga hikbi.
“Hija, alam kong mahal mo si Rex, pero sinabi niya sa akin na maaaring ‘yan nga ang maging desisyon mo, hindi niya gusto ito, ang gusto niya, maging matatag ka, bukas siya sa posibilidad na maaaring may makilala ka pang iba, at kapag nangyari ‘yon, magiging masaya ang anak ko para sa’yo, alam kong magiging masaya siya na masaya ka.”
Marahas akong umiling, hindi ko kaya, hindi ko na nakikita ang sarili kong nagmamahal pa ng iba. Or maybe, not in this lifetime?
Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko nula kay tita na lalong nagpaiyak sa akin. Para bang sinasabi niya sa yakap niya ang posibilidad na anumang oras ay pwede kunin si Rex sa amin.
“Next week, ipapapirma na ng doctor ang sulat na ina-allow naming alisin ang machine na sumusuporta sa kanya.” Panimula ni tita noong pumunta ako sa hospital kinabukasan.
They are his family, wala ako sa lugar para magdesisyon, pero parang napaka damot naman ng mundo! Paano ako? Paano akong walang wala at siya na lang ang pinanghahawakan. Mababaliw ako, hindi ko kaya!
We’ve been together since we were 14. And now that we’re 22, ganito ang mangyayari?
He got involved in a car accident the reason why he’s in coma, for almost 2 years now. Sa loob ng dalawang taon, sa trabaho at hospital lang umikot ang mundo ko. I’d visit him everyday, walang palya, and would tell him a story about my day.
I miss him so much, but maybe we we’re not meant in this lifetime.
Mapait akong ngumiti kay tita, nagsisimula nang malukot ang mukha at magtubig ang mga mata, mukhang buo na talaga ang desisyon nila.
“I think it’s about time we let him go, we have to give him the rest he deserve, and that is not in this world, not in this lifetime.” Tita continued.
“Sige po tita, aalis na rin ako at may trabaho pa po ako,” I kissed her cheek and went to Rex’s bed, I kissed his forehead and my heart suddenly felt so heavy.
Mukha lang siyang payapang natutulog, pero sobrang tulog naman yata at inabot na siya ng dalawang taon! Gusto ko na siyang gisingin, magmakaawa na bumangon na at sabihin sa akin na ayos lang ang lahat, na bumalik na siya sa akin, pero parang bigong-bigo ako sa mundong ito dahil mas malabo pa sa malabo yata ang nais kong mangyari.
I don’t think I’d move on from him, he’s the only one I have, and now I’m losing my grip on him too, his family wanted to let him go. I wanted so bad for him to stay, and that would be too selfish.
Lumabas ako sa hospital at hindi pa tuluyang nakakapunta sa parking lot ay tumulo na ang mga luha, umupo muna ako sa isang garden sa harap nila, may mga ibang pasyente rin doon, pero hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. Kung sa ibang pagkakataon siguro mabibigyang atensyon ko pa ang kagandahan ng disenyo nito, o ang mga taong nalulungkot dahil sa iba’t ibang rason, at isa ako sa kanila.
“Sorry miss, hindi ko gustong may umiiyak sa harap ko,” nagulat ako ng may nagsalitang lalaki sa harap ko, I tried to ignore him but he hand me a handkerchief. Paano siya napunta sa harap ko? Dumaan ba siya? O ano? Ni hindi ko napansin!
Bago ko pa makuha, nauna na siyang punasan ang mga luha ko. Kunot-noo akong timingin sa kanya, ang unang napansin ay ang puting suot nito, he’s probably a doctor, and he’s well... good looking. Pero pinunasan niya ang luha ko! Hindi naman kami close, ni hindi ko siya kilala. Agad akong natuhan at pinalo ang kamay niya, pero ginamit niya itong pagkakataon at kinuha ang kamay ko para ilagay doon ang panyo bago niya sagutin ang tawag at mukhang emergency. Baka may pasyente o ano, hindi ko alam at wala rin naman akong pakialam.
Isang tango ang iginawad niya sa akin bago nagmadaling umalis, sino ba ang lalaking ‘yun? Napatingin ako sa panyo na bigay niya at inilagay ito sa bag ko, nagpasya na ring pumunta sa trabaho.
“Ma’am, marami pong kliyente ngayon, tatanggapin pa po ba natin? Audit season po, kaya ba?” Tanong ng isa sa team ko, ito agad ang bungad niya sa akin pagpasok ko.
“Kaya ba?” Tanong ko sakanya pabalik, she’s also an Accountant, she must learn.
“Sa tingin ko kaya naman Ma’am, may mga papel na po sa table niyo na kailangan ng approval and we’ll report back to our clients,” pormal niyang sagot.
Tumango lang ako at dumeretso sa opisina at nakita ang mga papel na sinasabi niya, I doubled check it before signing.
My name were written there, all in capital letters.
KELLY ANGELA V. RIVERA, CPA.
Noong napasama ako sa topnotcher sa CPALE, si Rex ang unang-unang taong naging masaya para sa akin, mas nagreact pa siya sa akin! Kala mo siya ang nakapasa sa reaction niya, at ngayon plano ko namang mag-law, paano na niya ako masasamahan? Paano niya ako ihahatid sa testing center ko at hihintaying matapos, bubungad ang isang yakap pagkalabas matapos ang pagsusulit at doon pa lang, kahit wala pang resulta proud na siya sa akin.
Saan pa ako kukuha ng lakas ng loob, kung ang taong sasalubong sana sa akin pagkatapos kong kumuha ng pagsusulit ay lilisan na? Wala nang maghihintay sa labas!
My original plan is to study Law right after passing CPALE, pero hindi ko nagawa dahil mas piniling alagaan siya. That wasn’t his fault, but I know he’ll get mad. I probably should start my dream of becoming an Attorney, I’m sure he’ll be happy about it. I became busy that whole week, I barely even had time to sleep. Pero sinisigurado ko pa rin na napupuntahan ko si Rex, especially that he’s gonna leave me, just days from now.
“Hija, will you stay here tonight? Are you ready for tomorrow?” Tanong ni tita, isang gabi bago ang araw na hindi ko na ginusto pang dumating, ang araw na gusyo ko nalang lampasan o talikuran, pero alam kong imposible.
Pumunta ako roon and she gave me a hug before leaving, tahimik na ang silid nang maiwan ako roon.
Umupo ako sa katabi ng kanyang kama, mukha lang siyang natutulog ng mahimbing, and I want so bad to wake him up, but that would be too selfish, hindi ko gustong maging selfish. A strong love must be brave enough to let go.
My love is strong but I am not brave enough to let him go, heck if that means being brave then I’ll just gladly be weak all my life just so I don’t have to let him go, that way I’d have him forever.
“You’re so unfair for leaving me so sudden, you clearly told me you’re gonna be there when I become an Attorney,” I stopped and chuckled, but also trying to hold my tears.
“How can you be there? Mumultuhin mo ko? You know I’m afraid of ghost, but if it’s you, I don’t mind! I’ll be so damn happy to see ghost, if it’s you my love. Am I so selfish? I don’t want to let you go, but I have to respect tita’s decision.” I stop, and sobbed. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at hinayaan kong marinig ng silid na ito ang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko higit pa ito sa saksak sa puso, kumikirot ang buong katawan ko.
“All my life, all my life you’re there for me. When I lost my dad, when i graduated, when I passed UPCAT, CPALE, how ‘bout the bar exam? You didn’t keep your promise, you liar!” Tumigil akong muli sa pagsasalita at tumawa, I even have time to call him liar ha?
“Bumalik ka na, please. Dalawang taon na pero hirap na hirap pa rin ako. Paano na lang kung talagang mawawala ka na? Money is not even a problem for all these freaking hospital bills, I work hard to help tita in paying those pero ayaw niya, kaya naman daw ng pera niyo, I know you’re filthy rich, but damn those riches if you’re not here.”
I hugged him, tight, hoping he’d hug me back like how he usually do. I couldn’t take it, I wanted to let go because I know that would end his pain, he will heal up there and there will be no more sufferings.
“Can I just come with you? I.. I will be really fucked up here without you, i don’t think I can... this isn’t even called living, I just want you here, with me, love please.”
“Hindi ko kaya kung wala ka, hindi ko kaya! So please, wake up. Please. Bumalik ka na, paano ako? Ha?!”
For hours, I’m just crying and telling him how hurt I am, but then I decided to just tell him how much I love him and how much I’m willing to sacrifice just so he’ll no longer be in pain.
“Mahal na mahal kita, salamat sa lahat, you teach me how to love, deeply. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga, but i assure you, I’ll get through this, i’ll get that Attorney title, and you’d be so proud of me because I’m going to ace it, huh!”
I gave him one tight hug and slept on that chair, I woke up early the next day because of a nurse and a doctor.
“Miss? We’ll check him po and for preparation din po later, pwede po sana labas muna kayo,” magalang na sabi ng nurse, kaya agaran akong tumayo at hinalikan ang noo ni Rex.
Nagtama ang tingin namin ng doctor at nagulat ako dahil siya ang nagbigay ng panyo noon sakin, should I give it back to him? Pero hindi ko dala ngayon!
I bowed slightly for courtesy, at umupo nalang sa mga upuan sa labas.
Hindi naman ganoon katagal ang ginawa nila at ng lumabas ang nurse at agad akong tumayo, the doctor went out after awhile.
“Is he.. uhm... okay?” I ask.
“Yes miss,” I’m not sure if that’s the right answer, ofcourse he’s not. Why would he be okay, kung aalisin na ang mga machine sa kanya? At kung okay siya, sana bumangon na siya noon pa!
In was before lunch when tita came, with tito, Ate Ria and some relatives. They all look sad, and they all look at me with pity. This is all painful for us, but that’s how it should be when we have to let go of our loved ones just so they will no longer be in pain.
Ate Ria gave me a hug, pumasok na sila sa loob, naghihintay sa doctor at iba pang medical experts. Hindi ako pumasok. Hindi ko kayang makita ang pinakamamahal kong kinukuha sa akin.
I couldn’t afford to look at him while he was being taken away from me, but i want to think that this will what made him feel better. We held onto him for too long, it’s just about time now.
“Hindi ka ba papasok?” Ate Ria went out to ask me that.
I gave her a sad smile before shaking my head. Pumasok na siyang muli sa loob at may bakas pa ng luha ang mga mata.
Umupo na lang ako doon, mamaya na siguro ako papasok kapag tapos na. Hindi ako pusong bato para walang maramdamang sakit kung sakaling nasa loob ako.
“Hindi ka pa papasok?” A cold baritone filled my ears, I slightly panic.
“No,” tipid kong sagot, habang tinitingnan ang white gown niya.
It says there, K.M, Calvario M.D.
That must be his surename.
I couldn’t think straight, the door is slightly open and I’m hearing their sobs now. Tumayo ako at bahagyang sumilip doon.
The machine and tubes were now gone. He doesn’t look sick at all, just sleeping peacefully without those tubes in him.
Tumingin ako sa makinerya para sa kanyang heartbeat, it’s still beating seconds after the machine were removed, and there’s undying hope in me. Please continue beating, please, don’t leave me alone.
I lost it when I heard a loud beep, then the line we’re suddenly just straight, I felt like I lost my balance, kung hindi ako nasalo ay matutumba ako sa sahig.
My tears were like damn waterfall. I can’t... I can’t look at his lifeless body. I can’t!
“I’m sorry,” that same doctor told me.
Inalalayan niya akong makaupo bago nagpaalam. I just sat there, feeling numb now that the tears stop falling.
He’s now really gone.
I look at his coffin, just beside me and I still can’t believe it.
“Hija, bukas na libing niya.” Ani tita at tumabi sa akin.
“It hurts so much,” I started.
“Hush, alam ko. Pero alam ko rin na mahal na mahal ka ng anak ko that he will not be happy seeing you sad right now.” She said trying to make me feel lighter but it’s just so heavy.
Hindi naman yata tama na maging masaya ako agad agad. Mahabang oras ang kailangan. Alam ko rin, na hihilumin ng panahon ang bawat sugat ng puso.
Ang sakiitt naman nun😢
ReplyDeleteAng sakiitt naman nun😢
ReplyDeleteAng sakit :(((( Napakafaithful nung girl. If that's not love then I don't know what it is. Saka nakakagoosebumps yung "A strong love must be brave enough to let go" ( Si A to )
ReplyDelete