Posts

Detached

  “Tita, tita sige na po. Gusto ko po siyang pakasalan! Handa po akong pakasalan ang anak niyo, kahit ganito ang sitwasyon. Tita, nangako kami sa isa’t isa, siya nalang po ang mayroon ako.” Pagmamakaawa ko na halos hindi ko rin masabi nang maayos dahil sa mga hikbi. “Hija, alam kong mahal mo si Rex, pero sinabi niya sa akin na maaaring ‘yan nga ang maging desisyon mo, hindi niya gusto ito, ang gusto niya, maging matatag ka, bukas siya sa posibilidad na maaaring may makilala ka pang iba, at kapag nangyari ‘yon, magiging masaya ang anak ko para sa’yo, alam kong magiging masaya siya na masaya ka.” Marahas akong umiling, hindi ko kaya, hindi ko na nakikita ang sarili kong nagmamahal pa ng iba. Or maybe, not in this lifetime? Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko nula kay tita na lalong nagpaiyak sa akin. Para bang sinasabi niya sa yakap niya ang posibilidad na anumang oras ay pwede kunin si Rex sa amin. “Next week, ipapapirma na ng doctor ang sulat na ina-allow nami...