Posts

Showing posts from August, 2020

Talking to the Moon

Talking to the moon   Tw: self harm   “Papatayin ba natin, o hindi?” Tanong ng isa sa mga  kasamahan namin at bahagyang tumawa.   I smirked, how cruel, umiling ako dahil doon.   “What do you think?” They asked and looked at me. Lahat sila nakatingin sa akin, na parang sa akin nakasalalay ang magiging pinal na desisyon. They know how insensitive I am with that topic, but still, I don’t want them to know that.   Hindi ko inalis ang ngiti na nasa mga labi ko, sa halos ilang taon ko ng ginagawa ito, nakasanayan ko na at parang natural na. Maybe you’ll get use to it when you’re doing as early as grade 7.   “Let’s bluff them, ipalabas na papatayin natin pero hindi pala?” Patanong iyon at suhestiyon ko lamang pero ito ang talagang nasa isip ko.   Dahan-dahan silang tumango, para bang tinatanggap ang suhestiyon ko.   “Okay, wrap up na. Will send you the revised script tomorrow, Frema. And nice suggestion by the way, that gave me an idea,” Shanna...

Arms Open — The Script

 (I can’t think of a title, but this is based on The Script’s Arms Open) Nagising ako sa isang madilim na gabi, bahagya akong napatawa dahil sa naisip. Gabi kaya malamang, madilim talaga. Sa iba, pangkaraniwan na ito, pero pakiramdam ko ngayon iba ang kadiliman na bumabalot sa pangkaraniwang gabi ko. Ibang uri ng kadiliman na unti-unting kumakalat at lumalamon sa akin. Umiling ako at kumuha ng jacket bago lumabas. Hindi ko naman hahayaan ang sarili kong magpalamon sa kung ano mang gumugulo sa isip. Naglakad ako sa buhay na buhay pang kalsada ng Baguio, sumasaliw sa hangin ang mga halakhakan, maging ang mga ilaw ay tila sumasayaw. “You just lost him, at matagal na iyon, kaya bakit kapag sumasapit ang araw na ito nababalot ka pa rin ng lungkot?” Bulong ko sa sarili. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa paglalakad para pumunta sa burham park at umupo sa mga bakanteng lugar doon. Isang malamig na simoy ng hangin at nagpanumbalik bigla ang mga nangyari noon. “Cie...