It sinks in, so I took a step away.
“Seraphien, saan ka pupunta? Akala ko sasamahan mo ako?” Aniya, kaya natigilan ako sa paglalakad. Pinili kong hindi kumilos, hinintay na makalapit siya sa akin habang pinipilit pigilan ang mabilis na tibok ng puso sa takot na baka marinig niya ito. Pumikit ako nang mariin bago nagbuntong hininga at pinilit ang sariling ngumiti bago humarap sakanya, nananatili sa pwesto. “Oo! Oo nga pala. Akala ko hindi na tuloy, pababa rin kasi talaga ako dahil ako ang assign ngayon na kumuha ng mga pagkain.” Sagot ko at pinili na lamang tingnan ang paligid, dahil mas gusto kong hindi salubungin ang mga tingin niya. Nakakapanlambot ng tuhod! “Ngayon na ba ‘yon? Baka pwedeng ihatid muna natin ang pagkain sa taas, maghihintay sila.” Bahagya akong tumawa para mawala ang tensyon sa pagitan namin na pakiramdam ko ako lang naman ang nakakaramdam. Tumango lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad, bahagya pa akong natigilan dahil sa pagkamangha. Parang hindi naman yata tama na kahit side view lang ganito na ...